Marami sa mga kabataan ang tila di pa rin nahahanap ang daan tungo sa 'liwanag'. Kung kaya't marami sa kanila ay nangangailangan pa ng 'google map' upang masumpungan ang nasabing daan.
Dulot na rin ng kakulangan sa pag aasikaso at atensyon ng kanilang mga magulang, nagiging bukas ang kanilang isipan sa mga bisyo at iba pang mga bagay bagya na siyang dahilan ng pagka 'wrong turn'. Isa ring dahialn pa nito ay ang pagkakaroon ng maling barkada na siyang nakakaimpluwemsya dito. Maaari ring ang mismong mga iresponsableng mga magulang ang nagiging dahilan ng pagkalihis ng landas ng kanilang mag anak. Maaaring magrebelde at malulong sa masamang bisyo ang isang bata kung pakiramdam nito ay tila pinapabayaan siya ng kanyang magulang.
Kung kayat ang marapat ay magsilbi tayong 'road signs' para mahanap nila ang kanilang daan at makamit ang kanilang magandang 'Final Destination'.
Martes, Enero 17, 2017
Tips para hindi malulong sa masamang bisyo
Marami sa mga kabataan ang nababalitaang nalulong sa masamang bisyo. Kung kaya't narito ang ilan sa mga 'tips' upang hindin malulong sa masamang bisyo:
(1) Piliin ang mga kakaibiganin o kaibigan; madalas ang pagkakaroon ng maling kaibigan ang nagiging dahilan ng pagkalihis ng landas dahil na rin sa impluwensya ng barkada. (2) maghanap ng pagkakaabalahan; makatutulong ito upang mailayo ang iyomg isipan sa mga bisyo. Maaari kang magbasa o gumuhit na lamang o di kaya'y maglibang sa labas at gumawa ng 'outdoor activities' kung iyon ang nais. (3) Ituon ang ang atensyon sa pag aaral; sa pamamagitan nito, mas lalong mapapaigting ang iyong pagnanais na makatapos at magkaroon nag magandang trabaho imbis na magkaroon ng bisyo.
Ilan ito sa mga paraan upang makaiwas at hindi malulong sa masamang bisyo.

High school Life
Ang buhay sa high school ay kakaiba
Kung saan mo makikita
Ang tinatawag na 'barkada'
Naroo't may 'shonga' at tawa ng tawa.
Ngunit sa kalokoha'y lahat nagkakaisa.
At sinong di makakalimot sa unang pagtingin?
Kinausap lang ni 'crush', wagas nang kiligin.
Pati ang katabi'y iyong hahampasin
dahil sa wakas ika'y kanyang napansin!
Narito rin ang 'code name' ni Ma'am,
Kung saan kayo lang ang nakakaalam.
Sinong umasa na ang klase ay wala muna?
Pero nagsasabing, 'Buhay sa High school ay kay saya'.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)