Marami sa mga kabataan ang nababalitaang nalulong sa masamang bisyo. Kung kaya't narito ang ilan sa mga 'tips' upang hindin malulong sa masamang bisyo:
(1) Piliin ang mga kakaibiganin o kaibigan; madalas ang pagkakaroon ng maling kaibigan ang nagiging dahilan ng pagkalihis ng landas dahil na rin sa impluwensya ng barkada. (2) maghanap ng pagkakaabalahan; makatutulong ito upang mailayo ang iyomg isipan sa mga bisyo. Maaari kang magbasa o gumuhit na lamang o di kaya'y maglibang sa labas at gumawa ng 'outdoor activities' kung iyon ang nais. (3) Ituon ang ang atensyon sa pag aaral; sa pamamagitan nito, mas lalong mapapaigting ang iyong pagnanais na makatapos at magkaroon nag magandang trabaho imbis na magkaroon ng bisyo.
Ilan ito sa mga paraan upang makaiwas at hindi malulong sa masamang bisyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento