Marami sa mga kabataan ang tila di pa rin nahahanap ang daan tungo sa 'liwanag'. Kung kaya't marami sa kanila ay nangangailangan pa ng 'google map' upang masumpungan ang nasabing daan.
Dulot na rin ng kakulangan sa pag aasikaso at atensyon ng kanilang mga magulang, nagiging bukas ang kanilang isipan sa mga bisyo at iba pang mga bagay bagya na siyang dahilan ng pagka 'wrong turn'. Isa ring dahialn pa nito ay ang pagkakaroon ng maling barkada na siyang nakakaimpluwemsya dito. Maaari ring ang mismong mga iresponsableng mga magulang ang nagiging dahilan ng pagkalihis ng landas ng kanilang mag anak. Maaaring magrebelde at malulong sa masamang bisyo ang isang bata kung pakiramdam nito ay tila pinapabayaan siya ng kanyang magulang.
Kung kayat ang marapat ay magsilbi tayong 'road signs' para mahanap nila ang kanilang daan at makamit ang kanilang magandang 'Final Destination'.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento